Nasa humigit kumulang tatlong libong magsasaka sa bayan ng Asingan at Tayug ang nakatanggap na rin ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture.
May isang libo dalawang daan at siyamnapu’t walong (1,298) na magsasaka ng palay sa bayan ng Tayug at isang libo limang daan at walumpu’t isa (1581) naman bayan ng Asingan ang bilang ng mga benepisyaryo ng RFFA.
Limang libo kada indibidwal ang halagang natanggap ng mga benepisyaryo ng naglalayong makatulong sa kanilang gawaing pagsasaka bilang nagtaas din ang presyo ng mga equipment na ginagamit sa pansaka, ay malaking tulong ito para sa kanila.
Samantala, ang mga nakatanggap na magsasaka ng palay ay mga nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may sinasaka na 1/2 ektarya pero hindi lalagpas sa 2 ektarya.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Asingan at Tayug sa DA upang magpatuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga magsasaka ng mga nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments