FERTILIZER DISCOUNT VOUCHER NG DA, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA URBIZTONDO

Namahagi ng Fertilizer Discount Voucher ang Department of Agriculture sa mga magsasaka ng bayan ng Urbiztondo na ginanap sa Urbiztondo Sports Complex.
Ang pamamahaging ito ay sa pangunguna ng tanggapan ng Municipal Agriculture.
Dito naman inilahad ng alkalde ng bayan ang mga programa ng kanilang administrasyon sa larangan ng agrikultura.

Kabilang sa programa nila ang pagpapatayo ng tanggapan ng samahan ng mga magsasaka.
Ito ay magiging isang malaking kasama o makakatuwang ng kanilang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa galing sa national government hanggang sa mga barangay na mapakikinabangan ng bawat magsasaka ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments