Panibagong 422 na mga indibidwal mula sa San Carlos ang nadagdag sa mga bilang ng nabakunahan kontra COVID19 matapos ang isinagawang pagbabakuna sa apat na vaccination sites ng lungsod.
Nasa 127 na indibidwal para sa first at second dose ng Sinovac Vaccine ang nabakunahan sa RHU 1 sa City Gymnasium. Karagdagang 120 na indibidwal para sa second dose ng Sinovac Vaccine naman sa RHU 4 sa Brgy. Magtaking.
Tinanggap din ng 75 na indibidwal ang second dose ng Sinovac Vaccine sa RHU 3 Brgy. Talang. Panibagong 75 na indibidwal ang second dose ng Sinovac Vaccine na ginanap sa RHU 3 Brgy. Talang.
Samantala, nagsagawa rin ng inspeksyon ang tanggapan ng City Health Office sa bagong gawang Septic Vault Facility dito.
Ang Septic Vault ay isang pasilidad na naglalayong maging maayos na tapunan ng mga kagamitang nagamit sa ating Covid Vaccination Program katulad ng mga used-syringes at iba pang mga waste materials upang hindi ito maging peligro sa publiko.
HUMIGIT-KUMULANG NA 500 INDIBIDWAL, NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19; SEPTIC VAULT NA PAGLALAGYAN NG VACCINE RESIDUALS, ININSPEKSYON NA
Facebook Comments