Humigit kumulang P20 billion na halaga para sa modernisasyon ng mga paliparan, isinusulong sa Kamara

Iminungkahi ni incoming House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez na doblehin ang budget para sa modernisasyon ng mga paliparan sa bansa sa taong 2020.

 

Ito ay kasunod ng pagsuporta ng Kamara sa 30-year transport roadmap ng Duterte administration kung saan nakapaloob dito ang pag-upgrade at pag-modernize ng mga airports sa bansa kasama na dito ang Tacloban Airport.

 

Sa  nagdaang 2018 national budget, nas P10.1 billion lamang ang pondo para sa modernisasyon ng 40 airports sa bansa kung saan pinakamalaking bahagi ng pondo ay napunta sa Clark International Airport na nasa P2.74 billion.


 

Giit ni Romualdez, kung kinakailangan ay maaari namang doblehin ang pondo sa airport modernization para maisakatuparan ito at kakailanganin ang multi-partisan support ng mataas at mababang kapulungan.

 

Sinabi pa ng mambabatas na bukod sa paglaan ng kaukulang pondo para dito ay dapat maging isang batas ang ‘transport roadmap’ para masigurong tuluy-tuloy ang implementasyon ng programa na maituturing na malaking tulong para mapalago ang kalakalan at ekonomiya ng iba’t-ibang rehiyon.

Facebook Comments