Manila, Philippines – Humihirit ngayon ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng P8.202-billion sa 2019 budget para sa implementasyon ng second phase ng distribusyon ng lupa sa mga magsasaka.
Ayon kay Secretary John R. Castriciones, nakalaan ang bahagi ng pondo para sa pamamahagi ng 41,077 hectares lupa na magbibigay benepisyo sa abot sa 31,132 agrarian reform beneficiaries.
Sa ilalim ng second phase ng agrarian reform program, sasakupin ng land distribution ang mga nakatiwangwang na land reservations sa mga state universities at colleges.
Mula1972 hanggang March 2018, nakapagpamahagi na ang DAR ng 4.79 million hectares para sa 2.84 million agrarian reform beneficiaries.
Facebook Comments