HUMINA | Piso, humina bago ilabas ang inflation report ngayong araw

Humina ang piso kontra dolyar, isang araw bago ang nakatakdang paglalabas sa November inflation report.

Ang palitan ay nagsara sa ₱52.52 sa kada isang dolyar mababa kumpara sa ₱52.32 nitong Lunes.

Paniniwala ng ilang eksperto, resulta ito ng ceasefire sa trade war ng Estados Unidos at China.


Matatandaang ilalabas ng gobyerno ngayong araw ang inflation rate para sa buwan ng Nobyembre.

Una nang sinabi ng Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng umabot lamang sa 5.8 hanggang 6.6% ang inflation rate sa nagdaang buwan.

Mas mababa ito sa 6.7% na naitala para sa Setyembre at Oktubre na pinakamataas sa loob ng siyam na taon.

Facebook Comments