HUMINGI NG TULONG | MPD, nagpasaklo sa Media para maresolba ang pagpaslang sa empleyado ng bangko sa Maynila

Manila, Philippines – Humingi na ng tulong sa Media ang mga operatiba ng Manila Police District para sa ikalulutas ng kaso sa isang bank employee na pinaslang noong Alas 9:10 Sept 6 ng gabi sa CM Recto Avenue malapit sa kanto ng San Sebastian Street Quiapo Manila.

Sa ginanap na presscon sa Headquarters ng MPD, sinabi ni MPD District Director for Operation Sr. Supt, Antonio Yarra na magbibigay sila ng 50 libong pisong reward sa sinumang makapagbigay ng impormasyon sa ikadarakip ng dalawang suspek sa pagpatay kay Almeric Carlo Aldaba 49 anyos at isang empleyado ng bangko.

Ayon kay Sr. Supt. Yarra, professional hired killers ang dalawang suspek dahil pinagplanuhan nila ng husto ang pagpaslang kay Aldaba.


Paliwanag ng opisyal, dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan una ang pagnanakaw o robbery at ang pangalawa ay personal grudge na posibleng motibo ng pagpaslang sa biktima.
Tinitingnan din ng pulisya ang cellphone ng biktima kung sinu-sino ang kanyang mga kausap bago siya pinaslang ng mga suspek na posibleng makapagbigay ng lead upang maaresto ang dalawang salarin.

Facebook Comments