KALABOSO | 2 crab vendor na itinuturong responsable sa pagpatay sa 67-taong gulang na kasambahay, Nasukol ng QCPD

Manila, Philippines – Arestado na ng Quezon City Police District ang dalawang crab vendor na itinuturong responsable sa pagpatay sa 67-taong gulang na kasambahay sa Matiyaga Street Brgy. Central, Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 10 Commander P/Supt. Benjie Louis Tremor, sa isang bahay kung saan nagtatago sa Brgy. Bagong Bario, Caloocan City natunton ang mga suspek na kinilalang sina Orlan Pineda, 38 at Charlie Valles, 45 anyos.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, iginapos muna ng kapirasong damit bago makitang patay ang maid na si Leoncia Tupas.


Sa imbestigasyon ng QCPD lumalabas na nag-darasal at nagrorosaryo ang 73 anyos na may-ari ng bahay na si Angelita Angeles nang pasukin ng dalawang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung bakit nakita ng may-ari ng bahay na si Mrs. Angeles na binibigyan pa ng kasambahay ng kape at tubig ang dalawang kawatan nang pumasok at nakatangay ng pitong libong pisong cash.

Facebook Comments