HUMINGI NG TULONG | Satur Ocampo, nagpasaklolo kay dating SAP Bong Go

Manila, Philippines – Inamin ni dating Special Assistant to the President Sec. Bong Go na tinawagan siya sa telepono ni Ka Satur Ocampo noong gabing inaresto ito ng mga pulis at militar sa bayan ng talaingod Davao del Norte.

Ito ang inihayag ni Secretary Go kasunod ng pagsasampa ng AFP at PNP ng kasong kidnapping at human trafficking laban kay Ocampo at Act Teachers Partylist Representative France Castro.

Sa kanyang pagbisita at paghahatid ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Novaliches Quezon City, sinabi ni Go na ipinaliwanag sa kanya ni Ka Satur ang umano ay tunay na layunin ng kanilang rescue mission sa mahigit 70 kataong kinabibilangan ng kabataang lumad at guro na kailangang I-‘rescue’.


Gayunman sabi si Go, mayroong kanya-kanyang alegasyon at paliwanag ang grupo ni Ocampo at otoridad kaya at pinayuhan aniya nito ang dating mambabatas na ipaubaya sa PNP ang patas na imbestigasyon.

Nitong nakalipas na miyerkules ng gabi nang ikasa ang operasyon at masukol sa isang checkpoint sina Ocampo at Castro matapos makatanggap ng impormasyon na inilalabas nila mula sa ‘NPA-infested’ barangay sa Davao del Norte ang mga katutubo na karamihan ay mga menor-de-edad. ####

Facebook Comments