HUMIRIT | PET, kinulit ng kampo ni VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Muling humirit sa Presidential Electoral Tribunal ang kampo ni Vice President Leni Robredo na gamitin ang 25-percent threshold sa paglutas ng Election Protest na isinampa ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Urgent Ex-Parte Omnibus Motion, hiniling ni Robredo sa PET na atasan ang Head Revisors na pagbukud-bukurin sa pagbilang ang mga balotang nagtataglay ng mas mababa sa 50-percent ngunit sakop ng 25-percent at huwag ikonsiderang stray ballots habang hindi pa nadedesisyunan ng PET ang nakabimbin niyang Urgent Motion for Reconsideration na may petsang April 18, 2018.

Inihain ni Robredo ang Mosyon matapos na kumpirmahin ng Commission on Elections na ang 25-percent Threshold ay ginamit ng vote counting machines sa ginanap na halalan noong 2016.


Hiniling din ni Robredo sa PET na atasan ang Head Revisors na bilangin ang mga balotang saklaw ng Threshold issues.

Dagdag pa ni Robredo na hindi naman ito makababalam sa proseso ng Manual Counting kundi makatitiyak din ang publiko na walang mababalewalang boto.

Facebook Comments