HUMIRIT ULIT │Pangulong Duterte, hinaharass ang Ombudsman – Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV malinaw na harassment ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiimbestigahan ang diumanoy corruption sa Office of the Ombudsman.

Giit ni Trillanes, pananakot sa Ombudsman ang pahayag ng pangulo.

Ayon kay Trillanes, ganti ito ng pangulo sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa kanya umanong tagong yaman at ng kaniyang pamilya.


Hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte, huwag na ng magpaligoy-ligoy pa at pumirma na lang ng waiver sa bank secrecy law para ipabusisi ang kanyang bank account upang patunayan na hindi sya nangurakot.

Facebook Comments