HUNDRED ISLAND NATIONAL PARK SA ALAMINOS CITY, NAKITAAN NA NG DAGSA NG TURISTA HABANG PAPALAPIT ANG SUMMER SEASON

Unti-unti nang dinadagsa ng mga local tourist maging ng mga galing sa ibang lugar ang Hundred Islands National Park (HINP) matapos maitala ang mataas na tourist turn-out matapos ibinaba sa Alert Level 1 ang lalawigan ng Pangasinan.

Kaugnay nito, nakapagtala na ng aabot sa higit tatlong libo na turista dito nitong nakaraang linggo, ito ay hudyat umano sa muling pag arangkada ng tourism industry sa gitna ng nararanasang pandemya.

Batay kay City Tourism Officer Miguel Sison na may naitala na silang 32,682 tourist arrivals sa HINP mula March 1 hanggang 20 ngayong taon na may gross income na aabot sa PHP1.9 million at tiwala ito na aabot sa PHP2 million ang maitatalang income ngayong buwan lamang.

Karamihan naman sa turista na nagtutungo sa Hundred Island National Park ay mula sa Nueva Ecija, Vizcaya, at Cavite.

Nananatili naman ang presyo ng mga bangka at iba pang fees sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil ang mga rates at bayad sa iba’t ibang serbisyo dito ay nakabatay sa isang ordinansa kaya hindi ito maaaring mabago agad agad.

Samantala, naghahanda na ang City Tourism Office para sa papalapit na Holy Week dahil sa maaaring dagsa ng turista sa HINP.

Ipatutupad dito ang pick-and-drop scheme, na pipili ang mga turista mula sa tatlong isla na kung saan sila mamamalagi sa buong araw at susunduin na lamang sila ng mga bangkero, ito ay upang matiyak na sapat ang bangka para sa mga turista. | ifmnews

Facebook Comments