Hurisdiksyon ng trial court sa mga kasong civil, epektibo ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang pagpapalawig sa hurisdiksyon ng trial court sa mga kasong civil tulad ng pag-aari o property, inheritance at pag-aagawan ng teritoryo.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11576 noong Hulyo 30 kung saan binago ang Judiciary Reorganization Act of 1980.

Sa ilalim ng bagong batas, inaasahan na sasailalim ito sa pangangasiwa ng inflation, deflation ng currency, pagbabago sa land valuation o pagpapanatili ng proporsyon ng caseload sa pagitan ng first o Municipal Trial Court (MTC) at second level o Regional Trial Courts (RTC).


Sa circular na ipinalabas ni Court Administrator Jose Midas Marquez, inaatasan nito ang lahat ng first at second level courts na sumunod sa mandato ng RA 11576.

Nabatid na itinaas na sa P400,000 ang jurisdiction amount cognizable kabilang ang title o possession, real property at iba pang mga interest sa mga RTC mula sa dating P20,000 at P50,000 sa Metro Manila.

Para naman sa mga pinag-aagawang mga teritoryo ay umabot na sa P2 million ang maaaring claims mula sa dating P100,000.

Facebook Comments