New Orleans – Posibleng lumakas pa ang hurricane Nate kapag nag-landfall sa Southeast New Orleans.
Ayon sa National Hurricane Center, sa ngayon ang bagyo ay may lakas ng hangin na 85 mph ang bagyo at inaasahang nasa category 2 storm kapag nag-landfall sa gulf coast.
Umabot sa 25 ang bilang ng namatay sa ilang lugar sa Nicaragua, Costa Rica at Honduras sa pananalasa ng noon ay tropical storm Nate pa lang.
Sa ngayon ay nasa layong 245 miles ang sama ng panahon sa Mississippi River at umuusad sa bilis na 22 mph.
Nakatakda umanong mag-landfall ang hurricane sa Plaquemines Parish sa Louisiana, Southeast ng New Orleans.
Facebook Comments