Husky Bus balik operasyon na!

Nagbalik byahe na ang ilang unit ng Husky Bus simula ngayong umaga.
Pansamatala, nasa area sila ng Brgy. Tamontaka nakaterminal , parikular sa Star Oil Gasoline Station.

Sa panayam ng DXMY sa isa sa mga staff ng Husky Bus, hanggang Tantangan Area muna ang kanilang byahe habang nasa 256 Pesos naman ang pamasahe.

Mariin namang ipapapatupad ang guidelines para makaiwas sa Covid 19. Kabilang na rito ang pagsusuot ng facemask at physical distancing.


Tanging 23 katao lamang din ang maaring makakasakay sa Bus.
Matatandaang halos dalawang buwan ding nasuspende ang operasyon ng Husky Bus dahil pangambang hatid ng COVID.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments