Husky Bus pinasabugan ng Grenade Launcher sa Datu Unsay , Sundalong pasahero sugatan

137

Nabalot ng takot ang nangyaring byahe ng isang Unit ng Husky Bus matapos pasabugan ng Grenade Launcher sa bahagi ng Baranggay Iginagampong Datu Unsay Maguindanao, mag-aalas tres kahapon ng hapon.

Sa report ng PNP, binabyahe ng Husky Bus ang daan sa bahagi ng Iginagampong ng makarinig ng putok, sa kabila nito nagawang makontrol ng driver ang pagmamaneho nito at dire- diretsong naidala ang unit ng bus at mga pasahero sa Datu Saudi Municipal Police Station.


Matapos suriin, napansin na may tama ang bus sa kanang bahagi nito, at dun na bumulaga na isa sa mga sakay nito ay sugatan.

Kinilala ang pasahero na isang Sgt. Jester Cagaitan, sinasabing naka destino sa 6th ID. Tama sa kamay at binti ang natamo nito. Agad naman isinugod sa ospital ang sugatang sundalo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang wala pang statement ang pamunuan ng Husky Bus.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments