Quarantine Checkpoint sa Shariff Aguak Maguindanao, hinagisan ng Granada, isang CAFGU Patay isa pa Sugatan, limang sibilyan wounded

35

Patay ang isang Cafgu Member habang sugatan ang isa nitong kasamahan matapos hagisan ng granada habang nagsasagawa ng Quarantine Security Checkpoint sa bahagi ng Brgy Labu-Labu Shariff Aguak Maguindanao alas syete kagabi.

Kinilala ang biktima na si CAA ALADIN ALON, 33 year old, habang sugatan naman si CAA JOEY MOAMBING sa panayam ng DXMY kay 6th ID Spokesperson Col. Dindong Atillano.


Sinasabing on duty ang mga biktima at nagsasagawa ng security checkpoint sa Lining Area, ng mapadaan ang riding in tandem at sa di malamang dahilan hinagisan ang mga ito ng Granada.
Matapos ang pagsabog agad na tumakas ang mga suspek habang nasundan pa ito matapos paulanan ng bala ang Patrol Base ng military. Posibleng pinaghandaan ang pag-atake ng mga armado ayon pa sa Militar.
Bukod sa mga CAFGU, sinasabing limang sibilyan din ang slightly wounded ayon sa military.
Nagdulot rin ng matinding traffic ang pangyayari. Inaalam po kung sino ang nasa likod ng insidente.
Ikinalungkot naman ng militar ang magkakasunod na pang- aatake sa mga frontliners, una ang nagyari pagbaril patay sa isang pulis at pagkakasugat ng 3 iba pa sa nangyaring pamamaril sa Quarantine Checkpoint sa Esperanza kahapon ng umaga.
File PNP Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments