Hustisya makakamit na?

Magkahalong emosyon ang nadarama ngayon ng mga kaanak ng mga nabiktima sa nangyaring November 23 2009 Maguindanao Massacre, ilang oras bago ang pagbasa ng hatol.
Sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga kay Rich Teodoro, anak ni Andy Teodoro ng Mindanao Inquirer, isa sa walang awang pinatay sa malagim na trahedya, magakahalong saya at kaba ang kanyang nadarama dahil matapos ang isang dekada ay mabibigyan na ng hatol ang kaso ng mga mamahayag na nasawi kabilang na ang kanyang ama.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng kanyang pamilya sa lahat ng mga walang sawang sumuporta para makamit ang matagal ng hinahanap na hustisya.
Isang daang porsyento ring kumpyansa si Teodoro na mananagot na ang mga pangunahing suspeks sa Masaker.
FILE PIC

Facebook Comments