Magsasaka, Binaril-Patay ng Kapwa Magsasaka!

Cauayan City, Isabela- Dead on the Spot ang isang magsasaka matapos itong barilin kagabi ng kapwa magsasaka sa Brgy. San Limbauan, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Wensley Eugenio, 55 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy Limbauan, San Pablo, Isabela habang ang suspek na kinilala ng pamilya ng biktima ay si Florenzo Tippang alyas “amboy”, 52 anyos, may-asawa, magsasakawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang pauwi sa kanilang bahay ang biktima kasama ang mga anak at asawa na si Veronica Eugenio ay biglang pinagbabaril ng suspek mula sa likod ng biktima.


Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa likod na bahagi ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Facebook Comments