Ito ang panawagan ng pamilya ni Gretchen Nebreja, isang domestic helper sa Hongkong na namatay ng nakaraang April 25, 2020.
Si Gretchen, 34 years old, single mother ay taga-Barangay Beberon, San Fernando, Camarines Sur. Maglilimang buwan pa lamang siyang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hongkong.
Sa report ng The Sun Hongkong, lumalabas d-umano sa imbistigasyon ng pulisya na nag-collapse umano si Gretchen sa bahay ng kanyang amo at sinabi ng mga doktor na inatake sa puso ang namatay na Filipino domestic helper.
Samantala, pinasinungalingan naman ng kapamilya ni Gretchen ang ulat tungkol sa umano’y atake sa puso ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa isang exclusive interview ng RMN DWNX, sinabi ni Myla Malaa, kapatid ni Gretchen, na pagmamaltrato at pambubugbog ang naging sanhi kamatayan ng kanyang kapatid.
Idinagdag pa niya na simula pang January ng kasalukuyang taon umano na minamaltrato at minumura ng kanyang amo si Gretchen.
Samantala, nakapanayam naman ng RMN DWNX si DOLE Secretary Silvestre Bello III kaninang umaga sa programang Doble Pasada tungkol sa kaso ni Gretchen Nebreja.
Sa impormasyon na nakaabot sa kanyang tanggapan, nakita umano si Gretchen na nakahiga at mukhang may karamdaman. Dinala umano siya sa ospital at doon na namatay. Patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng DOLE at Department of Foreign Affairs sa Agency ni Gretchen upang ma-actionan ang bagay na ito.
Sinabi rin ni Bello na magsasagawa ng imbistigasyon ang kanyang tanggapan para malaman talaga ang tunay na pangyayari. Nabanggit ng Secretary na mayroong conflict sa mga statements ng Agency ni Gretchen at ng pinsan ng biktima na kasalukuyan ring nasa Hongkong kung kaya’t patuloy na binabantayan ng ating Labor Atache’ sa nassabing lugar ang bagay na ito. Nilinaw din ng Secretary na dapat malaman ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Gretchen Nebreja.
Kaugnay naman kung pwedeng maiuuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Gretchen, sinabi ni Secretary Bello na pagkatapos ng imbistigasyon ay pwede ng ma-facilitate ng pamahalaan ang bagay na ito.
Nang tanungin ang Secretary kung may matatanggap na tulong mula sa Departamento ang pamilya ng biktima, sinabi ni Bello na meron, tulad ng death benefits at maraming iba pa, kasabay ng pagtitiyak na matatanggap ng pamilya ang mga bagay na ito. ” I will see to it na makakarating sa pamilya ang mga benepisyo. ”
Hinggil naman sa katanungan kung may pananagutan ang Agency ni Gretchen, sinabi ni Bello na depende sa magiging resulta ng imbistigasyon at malaman kung ano talaga ang tunay na nangyari. Idinagdag pa niya na pwedeng ibigay sa kanyang kapatid at pinsan ang kanyang contact number para makausap sila at makatulong sa ginagawang imbistigasyon. This is a developing story.
Hustisya para kay Gretchen Nebreja!!! – Panalangin ng Kapamilya ng OFW na Namatay sa Hongkong; Benefits,Titiyakin na Matatanggap ng Pamilya – Sec. Bello III
Facebook Comments