Muling nanawagan ng hustisya ang Bagong Alyansang Makabayan para sa mga biktima ng malagim na Maguindanao Massacre sampung taon na ang nakalilipas.
Ayon kay BAYAN Sec/Gen. Renato Reyes, ito aniya ang pinakamalalang kaso ng Election related violence at pinaka-karumal dumal sa pagpatay sa mga mamamahayag sa kasaysayan.
Pagpapakita lang din aniya ito ng kabukulan sa sistemang pulitikal ng Pilipinas dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga Political Dynasty at pagdami ng private armies na dapat nang baguhin.
Binigyang diin pa ni Reyes, kailangang paspasan na ang paglilitis sa lahat ng mga may pananagutan sa Krimen para mapanagot ang mga ito sa batas at makamit na ng mga Pamilya ang inaasaam nilang katarungan.
Magugunita na 58 ang nasawi sa malagim na krimen na nangyari sa araw na ito nuong 2009 kung saan, kabilang dito ang 32 mga mamamahayag.