HUSTISYA | Parusang bitay sa employers ni Demafelis, inaasahang daan para matuldukan ang pag-abuso sa mga OFWs

Manila, Philippines – Umaasa si Senator JV Ejercito na positibo ang ibubunga sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs ng parusang bitay na iginawad sa mag-asawang amo ni Joanna Demafelis.

Ayon kay Ejercito, ang magandang development sa kaso ni Demafelis ay magsilbi sanang daan para mahinto na ang mga pag-abuso sa OFWs sa hinaharap.

Ang pahayag ni Ejercito ay kasunod ng hatol na bitay ng Kuwaiti court sa mag-asawang Lebanese at Syrian na amo ni Demafelis na nagmaltrato at naglagay sa kanyang bangkay sa freezer.


Bunsod nito ay inaasahan ni Ejercito na sa lalong madaling panahon ay makakamit na ni Demafelis ang hustisya.

Facebook Comments