Hustisya patuloy na sigaw sa pagunita ng 8th Year Maguindanao Massacre

Nakatakdang magtutungo sa Sitio Masalay Brgy . Salman. Ampatuan o sa Massacre Site ang pamilya ng mga nabiktima ng tinaguriang Ampatuan o Maguindanao Massacre.
Itoy bilang pakikiisa sa pagunita ng ika walong taong anibersaryo ng karumal dumal na insidente na ikinasawi ng 58 katao kabilang na ang 32 mga mamahayag.
Nakatakdang mag-aalay ng panalangin , kandila, bulaklak at mag papalipad ng lobo sa Massacre Site.
Inaasahang pangungunahan ang aktibidad ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, kasama sina Maguindanao 2nd District Representative Zajid Mangudadatu, Maguindanao 2nd District Assymbleman Khadafee Mangudadatu, LMP President Freddie Mangudadatu, Ali Macabalang bilang Media Representative at Ruth Delos Reyes, bilang family representative.
Kaugnay nito, bagaman mag iisang dekada na, patuloy na umaasa ang mga pamilya ng nasawi na makakamit ng mga ito ang matagal ng isinisigaw na hustisya at maparusahan ang nasalikod ng brutal na masaker.

Facebook Comments