Hustisya sigaw ng mga magsasaka sa anibersaryo ng Mendiola massacre

Manila, Philippines – Umakyat na sa 40 mga magsasaka at Lumad ang napaslang simula noong taong September 3, 2016 kung saan apat na magsasaka ang pinaslang sa Palayan City Nueva Ecija hanggang September 26 2018 kung saan pitong kabataang Tausug ang minasaker sa Patikul Sulu.

Ayon kay dating Agrarian Reform Secretary Paeng Mariano humihingi sila ng hustisya na mabigyan ng katarungan ang 13 mga magsasakang nakipaglaban para sa karapatan sa lupa na pinaslang noong Enero 22 1987 kung saan ilang dekada na ang nakalipas ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.

Paliwanag ni Mariano marami na aniyang magsasakang napaslang ang nangyari sa ilalim ng Duterte administration kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nabibigyan ng tunay na hustisya.


Giit ni Mariano unti-unting pinapatay umano ng kasalukuyang administrasyon ang mga magsasaka at mamamayang Pilipino sa mga paraan na pahirap na patakaran sa ekonomiya, pulitika at militar.

Facebook Comments