Hustisya sigaw para kay Betsy Yap

Nakarating na sa kanyang tahanan ang mga labi ng ARMM Heart humanitarian worker na walang awang pinagbabaril noong hapon ng sabado sa Sitio Tenorio, Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Kasama ng kanyang mga mahal sa buhay, mga katrabaho inihatid mula Villa Funeral Homes sa Cotabato City tungo sa South Upi si Betsy Yap ngayong umaga.

Di naman mapigilan ang pagbuhos ng ibat ibang emosyon ng salubungin ito ng kanyang mga kaanak, kaibigan at mga kababayan sa South Upi.


Kaugnay nito, bagaman sinasabing tukoy na ang responsable sa pamamaril, patuloy ang pagsigaw ng hustisya para kay Betsy. Si Betsy na mas kilala sa kanyang mga katrabaho at kaibigan bilang Betchay, ay itinuturing na kawalan lalong lalo na sa mga pagkakawang gawa ng ARMM Heart at pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng mga kalamidad.

Matatandaang pasado alas 4 noong sabado ng pagbabarilin habang sakay ng Mitsubishi Lancer si Betsy resulta din sa pagkakasugat ng dalawang iba pa. Maswerte namang nakaligtas ang ina nitong Municipal Councilor ng South Upi at isa pang Municipal Kagawad.

Agad namang inatasan di lamang ni ARMM Governor Mujiv Hataman kundi ng iba pang mga opisyales kabilang na si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang mga otoridad na agad resolbahin ang nasabing kaso.

PICS :MJH



Facebook Comments