Hustisya sigaw para kay Kap. Ella Biruar

Tuluyan ng binawian ng buhay si Cotabato City Bagua Mother Baranggay Chairperson Bai Ella Biruar.
Sa impormasyon na nakarating sa DXMY, pumanaw si Kapitana habang ginagamot sa isang pagamutan.
Matatandaang naging sugatan si Kapitana matapos mabiktima ng pamamaril noong January 28, ilang metro lamang ang layo mula sa kanyang tahanan.
Papauwi ito sakay ito ng Fortuner magmula sa isang aktibidad ng tambangan ng mga riding in tandem criminals. Naging sugatan din ang 2 pa nitong kasama.
Kaugnay nito, bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kanyang mga kabaranggay, kaibigan, at mga kaanak ang sinapit ni Kapitana.
Sumisigaw rin ng agarang hustisya ang mga mahal nito sa buhay.
Habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kung sino at ano ang motibo ng pamamaril kay Kap. Ella.
CCTO PIC

Facebook Comments