Hustisya,hindi pa umano ganap ayon sa grupong Karapatan kasabay ng paggunita ng 11th anniversary ng Ampatuan massacre

Bagama’t nahatulang guilty ang mga utak sa Maguindanao massacre na sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan, hindi pa ganap na nakamit ang hustisya.

Ito ang ipinahayag ni Cristina Palabay, Secretary General ng grupong Karapatan matapos na maabswelto pa ang 40 akusado sa 2nd batch ng mga kinasuhan kaugnay ng karumal-dumal na krimen.

Nagtipon-tipon ngayong araw ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre upang gunitain ang 11th anniversary ng Maguindanao massacre.


Aniya, mananatili ang diwa ng Ampatuan massacre case hangga’t may pagsikil umano sa Press Freedom

Inihalimbawa ni Palabay ang mga napatay na mamahayag, ang red-tagging sa mga journalists, ang mga isinampang kaso kay Maria Ressa ng Rappler at ang pagkakapasara ng ABS-CBN dahil sa hindi nabigyan ng legislative franchise.

Facebook Comments