Hustiya sigaw pa rin ng mga kaanak ng Maguindanao Massacre Victims

20

Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak ng mga nabiktima ng Masaker sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Bagaman , sampung taon na ang nakalipas ng maitala ang karumal -dumal na pangyayari hindi pa rin nawawalan ng ng pag-asa ang mga ito na makakamit ang katarungan ayon pa sa panayam ng DXMY kay Rich Teodoro, anak ni Andy Teodoro na kabilang sa nasawi sa masaker.
Nakatakda namang magtutungo sa Massacre Site sa Sitio Masalay, Brgy. Salman ang mga kaanak ng biktima kasama si Maguindanao 2nd District Congressman Toto Mangudadatu upang gunitain at makapag-alay ng panalangin sa lugar.
Matatandaang November 23, 2009 ng tanghali na mangyari ang trahedya na nagresulta sa kamatayan ng 58 katao kabilang na ang 32 mga media.
File Pic

Facebook Comments

From Advertisers