Maliwanag na ang Pasko sa Cotabato City

27

Ramdam na ramdam na ang kapaskohan sa Cotabato City. Itoy kasabay na rin ng isinagawang “Lighting” sa City Plaza o ang opisyal na paglulunsad ng programa ng City Government na “ Maliwanag ang Pasko”.
Kagabi, sama sama sa programa ang mga opisyales ng syudad para saksihan ang annual na aktibidad kasabay ng papalapit na selebrasyon.
Pinailawan na rin ang Christmas Tree bukod pa sa Tunnel of Lights at iba pang Christmas decorations sa plaza.
Hinihikayat naman ng City Government ang publiko na bisitahin at makiselfie o groupie sa City Plaza kasama ang kani kanilang mga pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay.

Facebook Comments

From Advertisers