Manila, Philippines – Naniniwala si National Press Club (NPC) President Paul Guitierrez na lumabag sa Article 11 ng Journalist Code of Ethics, si Rappler reporter Pia Ranada dahil sa ipinakita nitong asal habang pilit na kinunan ng reaction ang Presidential Security Group (PSG) kung kanino galing ang utos na bawal na siyang magkober sa Malakanyang.
Ayon kay Guitierrez dapat maging mahinahon at maganda ang pakikitungo nito sa PSG habang kumukuha ng detalye kung saan galing ang kautusan na bawal na itong pumasok sa Malakanyang para maglober.
Paliwanag ni Guitierrez, dapat huwag maging balat sibuyas si Ranada dahil gaya ng mga politiko ang journalist din ay bukas sa mga anumang kritiko na maaaring ipukol sa mga mamamahayag.
Giit ng presidente ng NPC ang isang mamamahayag ay dapat mayroong kaakibat na responsibilidad na patas at walang kinikilingan ang kanyang ibabalita.