“Huwag gawing mumurahin ang Mahal na Araw’-ito ang mensahe ni Father Genaro Herramia, Parish Priest ng Holy Family Parish ng Sta. Barbara Pangasinan sa mga Katolikong dumagsa kahapon sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas.
Imbes na matulog, mag out of town, pumunta ng beach resort at iba pa unahin muna umano ang pagdalaw sa mga simbahan at pagdadasal. Nagiging mumurahin umano ang ang selebrasyong ng Mahal na Araw kung gugulin lamang ito sa mga hindi makabuluhang gawain. Sinabi nito na ang Linggo ng Palaspas ay pasgisimula ng Semana Santa at hudyat ng pagpasok ni Hesu Kristo sa Herusalem bago ang kaniyang kalbaryo.
Sinabi nito na karaparat dapat lamang na gawing mahal ang selebrasyon dahil ito ay panahon ng pag-alala sa Mahal na Diyos na nagbuwis ng buhay. Inaanyayahan din ni Herramia na sumama sa mga aktibidad ng simbahan ngayong Mahal na Araw. [image: 56945074_606906083120135_2921889839429189632_n.jpg]
‘Huwag gawing mumurahin ang Mahal na Araw’ mensahe sa Linggo ng Palasapas sa Sta. Barbara Pangasinan
Facebook Comments