Patuloy ang panawagan ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa lahat ng kanyang mga kababayan ng Kooperasyon kasabay pa rin ng nagpapatuloy na pangambang hatid ng Corona Virus Disease .
Aminado ang Provincial Government na hindi anila kakayanin na malabanan ang Salot na Karamdaman kung hindi makikiisa ang publiko sa kadahilanang hindi sapat ang mga Doctor at mga health workers bukod pa sa kakulangan ng kagamitan sakaling humantong na sa worst scenario giit ng Gobernadora.
Bagaman may mga inisyatiba na ang PGO para gawing ligtas ang nasa 36 na bayan ng lalawigan, nakaangkla pa rin sa Disiplina at Kooperasyon ang pagiging ligtas ng bawat pamilya dagdag pa ni Governor Bai Mariam.
Kaugnay nito, kahit pa man naka standby na ang mga relief packs ng Provincial Government at nauna na ring nakapag-abot ng tulong ang mga Baranggay at Munisipyo, iginiit naman ng Gobernadora na hindi tugon sa COVID- 19 ang RELIEF ITEMS.
Ramdam aniya ng Gobernadora ang sakripisyo ng bawat isa ngayong panahon ngunit prayoridad pa rin aniya ng Gobyerno ang Kaligtasan ng bawat residente.
“Huwag sanang ikompromiso ng mga residente ang kaligtasan ng kanilang pamilya para lamang makipag-agawan ng Relief Items”.
Nauna na ring inatasan ni Governor Bai Mariam ang lahat ng mga opisyales ng bawat LGU, base sa direktiba ng DILG, na magpaabot ng tulong sa kanila- kanilang mga kababayan.
Huwag ikompromiso ang Kalusugan para lamang sa Relief Goods!- Maguindanao Governor
Facebook Comments