Top 7 Most Wanted Person sa Benito Soliven, Isabela, Bagsak na sa Kulungan!

*Benito Soliven, Isabela- *Bagsak na sa kulungan ang Top 7 Most Wanted sa bayan ng Benito Soliven, Isabela makaraang isilbi ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Balliao, Benito Soliven, Isabela.

Ang nahuli ay si Angel Topinio, animnaput dalawang taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, siya ay inaresto dahil sa kaso nitong Swindling sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Isaac De Alban ng RTC Branch 16, City of Ilagan, Isabela.


Nasa kustodiya na ng PNP Benito Soliven ang suspek para sa tamang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Pansamantalang makakalaya si Topinio kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansa na labing walong libong piso (18,000.00).

Facebook Comments