Huwes, suspendido matapos umanong makipag-threesome sa korte

Suspendido ang isang huwes ng family court matapos akusahan ng misconduct, kabilang ang umano’y pakikipag-threesome sa hukuman sa Kentucky, United States.

Sinampahan si Judge Dawn Gentry ng patong-patong na kasong may kinalaman sa favoritism, pag-inom ng alak, at sexual advances sa korte noong Nobyembre, ayon sa NBC News.

Inirereklamo si Gentry ng pamumuwersa sa mga empleyado na suportahan siya sa reelection campaign at pagbabantang gagantihan ang mga hindi susunod.


Habang pinilit naman umano ng huwes ang abogadong si Katherine Schulz sa messaging app na Snapchat na akitin ang mister ni Gentry upang makapag-threesome sila.

Niyaya rin daw ang abogado na sumali sa threesome kasama si Stephen Penrose, dating pastor na nakakasiping noon ni Gentry.

Nakipagtalik na rin umano sa hukuman si Gentry sa oras ng trabaho kay Penrose–na tinalaga niyang case specialist sa kabila ng kuwestiyonableng kwalipikasyon–at sa sekretaryang si Laura Aubrey.

Sa desisyon ng Judicial Conduct Committee ng Kentucky, suspendido sa tungkulin si Gentry, ngunit hindi maaapektuhan ang kanyang sahod habang hinihintay ang pinal na desisyon.

Facebook Comments