3 Barangay sa Lungsod ng Cauayan, ‘Drug-Free Barangay’- PDEA Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang ‘drug cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ngayong araw ang tatlong barangay sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa pamunuan ng Cauayan City Police Station,ang mga idineklarang barangay ay kinabibilangan ng Amobocan,Guayabal at Nungnungan 2.

Kabuuang 43 pa ang barangay na apektado ng droga habang 19 ang drug-free barangay at 18 ang kabuuang naideklara ng PDEA Region 2 sa lungsod.


Sa ngayon ay nasa ilalim na ng masusing validation ang natitira pang barangay ng Buena Suerte, Sillawit at San Isidro habang nakahanda na ang ilan pang isusumiteng dokumento para sa pagsasailalim ng mga barangay ng Maligaya, Gappal, San Luis, Labinab at San Francisco para sa deklarasyon ng PDEA.

Patuloy naman na nananawagan ang pulisya sa publiko na mangayring makipagtulungan sa kanila para tuluyan ng masugpo ang iligal na droga sa lungsod.

Photo Courtesy: CauayanCity Ps

Facebook Comments