Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kagabi sa Brgy. Minante, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Erwin Pandi, 30-anyos at residente sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang umano sa listahan ng high value target (HVT) ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong zip lock transparent plastic sachet na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops na tumitimbang ng 600 grams at nagkakahalaga ng P72,000; 17 na piraso ng 500-peso bill ng boodle money, at P1,000 pesos na drug buy-bust money at isang itim na backpack.
Una nang iginiit ng pamilya sa isang pahayag na hindi sa suspek ang nakumpiskang iligal na droga habang itinanggi naman ng mga awtoridad na planted ang mga ebidensya laban sa suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.