Hybrid job fair ng JobQuestpPH katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, magsisimula na ngayong araw

Kasado na ngayong araw ang virtual job fair ng JobQuestPH katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Public Employment Service Office (PESO), DZXL Radyo Trabaho at Ayala Malls.

Ang virtual job fair ay gaganapin simula ngayong araw, Nobyembre 4 hanggang sa Nobyembre 8 habang ang face-to-face job fair ay gaganapin naman sa Nobyembre 8 hanggang 9 sa Ayala Malls Cloverleaf sa Balintawak, Quezon City mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Para sa mga virtual attendees, maaaring mag-register sa website na www.jobquest.ph o i-download ang JobQuestPH sa Google Play Store.


Gumawa ng account at i-verify ang inyong email address at kompletuhin ang DOLE-NSRP form at i-click ang register for November 4 hanggang 9 Job fair for Every Juan.

Pinapayuhan naman ang lahat ng pupunta sa face-to-face job fair na magdala ng vaccination card at maraming resume.

Panatilhin din ang pagsunod sa social distancing at pagsusuot ng face mask para sa kaligtasan ng bawat isa.

Facebook Comments