Hydro-meteorological division ng PAGASA, naglabas ng general flood advisory sa mga lugar na apektado ng pag-ulan

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa ngayong may nararansang mga pag-ulan.

Dahil dito, naglabas ang hydro-meteorological division ng PAGASA ng general flood advisory sa mga apektadong lugar dahil sa Bagyong Pepito.

Sa abiso ng PAGASA, makakaranas ng light to moderate na pag-ulan na minsan may kalakasan ang bahagi ng Quezon at Rizal.


Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente at local risk reduction ang management council na maging alerto sa mga posibleng pagbaha lalo na sa gilid ng ilog.

Naglabas din ng general flood advisory sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Albay at Sorsogon dahil sa moderate to heavy na pag-ulan sa nabanggit na lugar.

Samantala, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Pepito sa layong 375 km silangan ng Infanta, Quezon.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:

• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Metro Manila
• Rizal
• Northern portion of Quezon kasama ang Polillo Islands
• Extreme northern portion ng Camarines Norte
• Catanduanes

Facebook Comments