Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang nasabing pagsasanay na isinagawa sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, limitado lamang sa 25 na katao ang magsasanay sa bawat batch ng training na mag magtutuloy-tuloy ito hanggang may gusto na matuto sa pagtatanim ng gulay at pag-aalaga ng isda.
Ayon kay Provincial Agriculturist Pearlita Mabasa, ang naturang pagsasanay ay isang 2-in-1 food production technology kung saan magkasabay ang gagawing pagtatanim ng mga gulay at pagpapalaki ng isda.
Ang gulay na angkop sa hydroponics ay ang lettuce, kangkong, kamatis, melon, at pipino na maaaring nang anihin sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na linggo.
Sa pamamagitan naman ng Aquaponics, ang mga isang tilapia at hito ay pwede na anihin na sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.
Para sa mga interesado sa training ay kinakailangan lamang na magpalista sa OPA upang maitakda kada-umaga ng Biyernes ang kanilang pagsasanay sa farm school.