LALAKING TULAK NG DROGA, ARESTADO SA BAYAN NG SAN MATEO

16
Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022.

Kinilala ang suspek na si Robert Manuel, 47-taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Si Manuel ay isa sa mga High Value Target ng pulisya.

Naaktohan siyang nag bebenta ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P3,400 sa ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer na dahilan ng kanyang pagkaaresto.

Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang isang yunit ng cellphone, isang motorsiklo at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Napag-alaman din na ang suspek ay dating drug surrenderee sa munisipalidad.



Si Manuel ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments