Manila, Philippines – Nilinaw ng National Economic Development Authority o NEDA na hypothetical o halimbawa lang ang P10,000 buwanang budget kada pamilya.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, nais lang nila ipakita kung papaano mabubuhay ang pamilya na kumikita ng minimum wage sa gitna ng kasalukuyang inflation rate.
Aniya, may sinusunod silang international convention na siyang sumusukat kung kailan matatawag na mahirap ang isang pamilya.
Giit pa ng NEDA, patuloy na isinusulong ng gobyerno ang pagpapatupad ng unconditional cash transfer program, ayuda sa mga namamasadang tsuper ng jeepney, at iba pang subsidyo para makaagapay ang mga Pilipino sa inflation.
Facebook Comments