I-Act, Muling Nagpaalala Sa Mga Mall Owner Ngayong Papalapit Na Pasko

1

MANILA – Muling nagpaalala ang Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa mga mall owners sa mga responsibilidad nito para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.Ito’y kasunod na rin ng maagang paghahanda ng publiko ngayong papalapit na pasko.Kabilang pa rin sa ipatutupad ng I-ACT, base na rin sa napagkasunduan nila ng mga mall owner ay ang “no weekdays sale”.Binago rin ang oras ng operasyon ng mga mall na magsisimula mula alas onse nang umaga hanggang alas onse nang gabi.Dapat din anilang isagawa ang delivery ng kanilang mga supply mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 nang umaga kung saan konti lang ang mga sasakyan sa mga kakalsadahan.

Facebook Comments