Halos 2-Libong Pamilya Na Nasunugan Sa Las Piñas, Nasa Evacuation Centers Pa Rin

13

LAS PINAS – Nananatili pa rin sa magkakahiwalay na evacuation centers ang nasa dalawang-libong pamilya matapos na masunugan Sa Las Piñas City, kahapon.Nabatid na nasa 800 kabahayan ang naabo habang umabot sa 50-milyon piso ang kabuuang danyos sa sunog.Karamihan umano sa mga nasunugan ay pansamantalang nakatira sa isang covered court sa Bf Resort, Barangay Talon Dos.Maging ang mga bata ay bigo pa ring makabalik sa eskwela.Nagpa-abot naman ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa mga apektadong residente ng Manggahan Compound kabilang na ang paghahatid sa kanila ng pagkain.

Facebook Comments