I-ACT Special Task Force, magsasagawa mamaya ng pag-iinspeksyon sa mga motorista sa Mandaluyong City

Puspusan ngayon ang ginagawang pagmo-monitor ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic Special Task Force para matiyak na sumusunod ang lahat ng mga motorista na dumadaan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila sa ipinatutupad na Health Protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon sa Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), ang kanilang traffic law enforcement operation ay magsasagawa ng tuloy-tuloy na mahigpit na pag-iinspeksyon upang matiyak na ang lahat ng mga motorista ay sumusunod sa kautusan ng IATF at naaayon sa COVID-19 health protocols at iba pang may kaugnayan sa traffic rules and regulations para sa kaligtasan ng publiko lalong-lalo na ang pag-iwas sa nakamamatay na virus sa bansa.

Paliwanag ng I-ACT Special Task Force, mahalaga na tuloy-tuloy ang kanilang isasagawang operasyon para matiyak na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga motorista lalong-lalo na sa COVID-19.


Magtipun-tipon mamayang alas-2:00 ng hapon ang naturang operatiba sa The Columbia Tower, Ortigas Avenue, Brgy. Wack Wack, Mandaluyong City at magsasagawa ng operasyon sa loob ng Metro Manila pero hindi muna babanggitin ang eksaktong lugar upang hindi makapaghanda ang mga motorista.

Umapila rin sila sa publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya para labanan ang nakamatay na virus.

Facebook Comments