Kung oportunidad ay marami, kay sarap magmalaki. Pero kapag ang simpleng pagkakataon na hinindian ay mabait na may ibayong hatid na kaligayahan, sayang din naman.
Ito ang confession ng isang babae, from Buhangin, Davao City.
—
Kapag pinakawalan mo ang isang damdaming laan sana sa iyo, kay hirap ng bawiin at angkinin ito. The biggest regrets umano, ay yaong nabigyan ka ng pagkakataon, pero hindi mo ginawa. What if’s na lamang ang meron ka ngayon.
—
Pangungumpisal ng isang babaeng may ambisyong umangat ang buhay. Nais niyang magpapakapraktikal. Sa dinami-rami ng kanyang mga manliligaw, kaiba siya sa ibang babae na sinusunggaban ang isang suitor. Kaya’t nagiging pihikan siya. Na maging ang kanyang masugid na manliligaw na si Lemuel, kahit seryoso sa kanya at umaakyat ng ligaw sa kanya sa kanila, pinrangka niyang walang maaasahan sa kanya ang huli. Ang tanging dahilan kahit gusto niya, ay pareho sila ng estado sa buhay: mahirap lamang.
Hanggang sa tila napagod na rin si Lemuel sa kakasuyo sa kanya. Hindi na nagparamdam, hindi na nagpakita. Saka niya nami-miss. Huli na nang mapagtanto niya, nang mabasa niya sa status sa Facebook nito na in a relationship na. At minsan din nagkrus ang landas nila sa mall, may kasamang maganda at halatang mayamang babae. Nalaman din niya nang minsa’y tugunan siya ni Lemuel sa text na ang babaeng kasama niya sa mall, ay GF niya.
Saka niya naramdaman na may kulang sa buhay niya, si Lemuel. Minsa’y nagtext siya at nangungumusta. Saka niya nalaman mula mismo sa tugon ni Lemuel na siya pa rin umano ang laman sa puso ng huli at hindi ang nagging girlfriend. Natameme siya.
—
Parang gusto na niya ngayong bawiin ang mga sinabi niya. Na gusto niya si Lemuel. Na name-miss na niya. At mahal na rin pala niya. Tama bang umeksena pa siya sa buhay ni Lemuel, ngayong taken na siya.?
i Confessions; Girl from Buhangin, Davao City
Facebook Comments