Nothing’s come for free para sa isang boyfriend na materialistic. Ang lahat, maging damdamin, ay may kapalit. Ito ang daing ng babaeng labis na umiibig.
—
Isang babae na tila binabayaran ang bawat sandali na magkasama silang dalawa ng boyfriend niya. Si Irene, 27, from Boulevard, Davao City.
*—*
Mahigit dalawang taon ng magkasintahan sina Irene at Lorenz. Si Lorenz lamang ang naging boyfriend ng una na umabot ng ilang taon, kaya’t sayang umano kung mababalewala lamang ang lahat, dahgil sa hinaing niyang nakasasakit na rin sa kanya.
Since day one kasi, si Irene na lagi ang nagyayaya kay Lorenz na magkita sila at mag-date. Si Lorenz ang tipo ng boyfriend na taga-payag at taga-tanggi. Pero sa huli ay mapipilitan si Lorenz, kapalit ng ilang demand niya, katulad ng: pagkain, damit, perfume, cellphone load, o cash. Lagi namang nagbibigay si Irene, makita’t makasama lamang niya ang boyfriend. Pero sa tuwing magkasama na sila, kapag napapasakamay na ni Lorenz ang nais, lagi namang nagmamadaling umuwi, at laging nagtatagi ng mga alibis. Laging luhaan at naaawa sa sarili si Irene, sa tuwing naiiwan na siyang mag-isa.
Hindi na alam ni Irene kung tunay nga rin kayang mahal at iniibig siya ni Lorenz o ginagamit lamang? Isa pa sa ipinagpuputok ng butse niya, ay ang anak ni Lorenz sa pagkabinata na nasa kalinga ng huli, na maging sa mga pangangailan ay si Irene ang tumutustos at inoobliga ni Lorenz.
—
Nasa tamang relasyon nga ba siya.? Tama nga bang manatili siya kung saan man siya naroon ngayon?
i Confessions; Irene
Facebook Comments