Golden State Warriors, pinabulaanan ang balitang iisnabin nila ang imbitasyon ng White House

Manila, Philippines – Inaantay lamang ng Golden State Warriors ang imbitasyon ng White House matapos ang kanilang pagkuha ng kampeonato kontra Cleveland Cavaliers.
Sa inilabas na statement Warriors, wala pa silang natatanggap na imbitasyon mula kay President Donald Trump.
Pinabulaanan din nila ang lumabas na balita na pinagpasyahan nilang hindi na pupunta sa White House.
Matatandaan na nagpahayag ng kanilang hindi pagsuporta kay President Trump ang mga manlalaro ng Warriors na sina Stephen Curry, David West at maging ang kanilang head coach na si Steve Kerr.
Pero sa na kaugalian nang tradisyon, iniimbitahan ng White House ang anumang koponan o atleta na nakakuha ng medalya o ng championship sa anumang larangan ng sports.

DZXL558

Facebook Comments