Confession ni Marlon ng Ulas Davao City, nagseselos pa rin sa dating pag-ibig, na nais niyang sa kanya pa rin dapat ang natatanging pagtingin…
—
Madalas kesa sa hindi, kapag napapabayaan ang isang tao at ang isang relasyon, mauuwi din daw sa wala ang lahat. Ngunit kapag may ibang tao ng magbibigay ng halaga sa iyong pinabayaan, madalas na nakapanliliit, makararamdam ka ng panghihinayang at sakit.
—
Ang sender na si Marlon ay masyadong busy noon habang nasa loob ng isang relasyon. Labis na ginalingan ang kanyang career, naugnay sa maraming babae, nagpabaya sa kanyang responsibilidad—nakalimutan niyang pagtuonan ng pansin at pagmamahal ang kanyang live-in partner na si Clariz at ang nag-iisang anak nila. Bukot pa sa hindi niya inalok ng kasal si Clariz. Umabot sa sukdulan ang huli, at naghiwalay silang dalawa.
Naugnay na naman sa magkakaibang babae si sender Marlon. Ng mga panahong iyon, nakalimutan at hindi na niya napansin si Clariz. Nakikita lamang niya sa tuwing sinusundo ang bata sa kanila o kaya’y hinahatid niya sa bagay ng huli. Pero napansin niya sa tunay nitong kahulugan si Clariz, nang magkaroon na ito ng bagong karelasyon. Higit sa lahat, nang maitakda ang pagpapakasal niya sa ibang lalaki. At ang lalaking ito, ay ang itinuring nilang buong pamilya na hindi na mag-aasawa dahil nahuli na sa byahe, dahil matandang binata na umanong maituturing—ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki, na si Arnold.
Saka ngayon nakararamdam ng pagseselos si sender Marlon. Ikakasal na next year si Clariz sa nakatatanhda niyang kapatid. At tila hindi niya kayang tanggapin na mismong kapatid niya lang umano ang ipinalit ni Clariz sa kanya. May nabatid siyang kakaibang damdamin sa loob-loob niya. Gusto niyang maglabas ng galit, pero kanino.? Gusto niyang manumbat, pero kanino.? Nais niyang ipaglaban ang hindi niya matukoy na karapatan, pero paano.?
I Confessions; Marlon
Facebook Comments