i Confessions; Troy of Panabo City

Confession ng isang lalake, naiwan sa ere. Pag-ibig niya’y hinahagilap, kasabay ng mga naglahong pangarap.

Ang pinaniniwalaan mong kaligayahan na panghabampanahon, maglalaho rin pala at maiiwan ang isang mabigat na emosyon. Hindi mo sukat-akalaing ang lahat ng pinundar mong damdamin, ay hindi naman pala kabilang sa pagtupad ng kanyang mga mithiin.

Hiwalay at may anak sa dating asawa si Alma, ang naging live-in partner ni sender Troy sa loob ng mahigit dalawang taon. Mahal na mahal niya, sukdulang maging kanyang sarili ay nakalimutan niyang pahalagahan. Ni hindi niya napaghandaan ang bawat isang pangyayari na nakaamba na noong maganap sa kanyang buhay.
Nang mabigyan ng pagkakataon si Alma na makapagtrabaho sa ibang bansa, tumulong si sender Troy upang mapabilis ang kanyang pag-a-abroad. Gumastos siya. Kasabay ng pag-asang makatutulong din si Alma upang mapaganda ang kanilang future. Ngunit simula ng mangibang-bansa si Alma, ni isang text o tawag, kahit sulat, ay walang natanggap mula sa kanya si Troy. Hindi niya rin maaaring makibalita sa pamilya ng babae, dahil silang lahat ay tutol sa kanya.
Ipinagluksa ni Troy ang pag-alis ni Alma na ni HA ni HO, ay wala ng ipinarating sa kanya. Iniyakan niya ang lahat. Nawalan siya ng pag-asa. Nalulong sa nakalalasing na inumin. Pero kinabukasan sa kanyang paggising, bumabalik naman ang kung anong problemang sumisira ng buhay niya.

Hindi niya alam ngayon kung hanggang saan at hanggang kailan magiging miserable.? At kung kailangan nga ba niyang maghintay kay Alma.? May maasahan pa kaya siya para sa kanilang dalawa.? Mahal na mahal pa rin niya si Alma.
Ito po ang aking pangungumpisal,

Troy ng Panabo City

Facebook Comments