‘I DO"-Kasalang Bayan inihandog ng LGU Buldon sa Valentines Day

154

Napuno ng pag-ibig ang gymnasium ng Brgy. Edcor sa bayan ng Buldon , Maguindanao kasabay ng mass wedding ceremony o kasalang bayan na inihandog ng LGU Buldon na pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao.
Isinabay ang okasyon sa valentine’s day celebration bilang pagpaparamdam at pagpapakita ng kahalagahan ng pagmamahalan sa kanyang mga kababayan giit pa ni Mayor Manalao.
Kapwa nagpalitan ng “I DO” ang 59 na magsing-irog na nagmumula sa mga Brgy. ng Edcor at Dinganen.
Kabilang sa mga nagpakasal ay ang ilang couples na senior citizens na matagal ng nagsasama, may mga anak at mga apo na rin.
Naging emosyonal rin ang mga ikinasal dahil sa kasayahan na ipinagkaloob ng LGU, bukod kasi sa instant ninong na si Mayor Manalao kasama sina Vice Mayor Cairoden Pangunotan, 37th IB CO Col. Florencio Pulitod Jr, Buldon COP CINS Art Liwan at ilan pang mga opisyales ng bayan, naging libre pa ang handaan para sa mga bisita.

Umaasa naman si Mayor Manalao na magiging tapat sa kanilang sinumpaan ang mga bagong kasal na magsasama ng habang buhay , sa hirap at ginhawa.
isinagawa ang okasyon kasabay ng 66th founding anniversary ng EDCOR.






Facebook Comments